Proyekto sa Pagpapakamasining

Magkuris-kuris (to scribble) ang paboritong gawin ng dalawang-taong gulang kong pamangkin no’ng natututo pa lang siyang humawak ng crayons at lapis. Ang mga bakas ng kanyang pagkamangha sa mga panulat at pangkulay, na maaaninag pa rin hanggang ngayon sa dingding ng aming sala, ang nagbigay sa akin ng inspirasyon na gawin ang proyektong ito ngayong 2017.

IMG_20171220_203904

Mula nang mabili sa Divisoria Mall ang mahigit tig-i-isandaang pisong notebook, kasa-kasama ko na ito sa aking mga lakad. Katambal nito ang tignu-nuwebe pesos na M&G gel pen (itim). Minsan, ‘pag mas sinisipag ay bitbit ko rin ang tigti-trenta na watercolor set.

Dahil nga doodle notebook ko siya, sari-saring larawan ang naikintal ko rito. May mga naiguhit sa loob lamang ng dalawang minuto, may mga tumagal naman ng halos tatlong oras. May mga pinanday ng inspirasyon, at may mga iniluwal ng disiplina. May iilang hinanapan ng gagayahan, pero halos karamihan ay kung ano ang aking nasilayan.

Sa gitna ng taon ay biglang naglabasan ang mga posts ng mga sketches ng Instagram at Facebook contacts ko na mga tunay na visual artists tulad nina Robert Alejandro, Meg Roxas, Byron Jeff D., at mga miyembro ng Ang Ilustrador ng Kabataan (Ang InK). Mas lalo akong nahimok na ipagpatuloy ang munting proyektong ito dahil sa dulot na inspirasyon ng mga taong hinahangaan ko.

Kaya pagdamutan na ninyo ang nakayanan ko ngayong taon, bilang panimula.

Post Feature

Mahahati sa anim na pangkat ang mga naiguhit.

Unang Pangkat: Looban ng mga Kapehan

Mas nasasabik akong bumisita sa mga lokal na kapehan dahil (1) mas mura ang kape at tinapay, (2) malaki ang tsansa na may markang Pinoy ang disenyo ng tindahan, at (3) siyempre, tangkilikin ang sariling atin.

IMG_20171228_162512IMG_20171228_164726IMG_20171228_164741IMG_20171228_164806IMG_20171228_164840IMG_20171228_164857IMG_20171228_164909IMG_20171229_061736IMG_20171229_061759

 

Ikalawang Pangkat: (Pilit na) Typography

Paminsan-minsan ay may mga salitang ayaw (a)kong pakawalan kaya’t ipinipinid sa mga dahon ng personal na kasaysayan.

IMG_20171228_162235IMG_20171228_162415IMG_20171228_162555IMG_20171228_164554IMG_20171228_164829

Ikatlong Pangkat: Tao (tauhan)

Hirap akong iguhit ang sarili ko, maging ang ibang tao. Halata naman.

IMG_20171228_162336IMG_20171228_164420IMG_20171228_164630IMG_20171228_164717

Ika-apat na Pangkat: Kasama ang Pamangkin

Sangkot sa proyektong ito ang aking #1 fan–ang aking tatlong taong gulang na pamangkin, kaya mula pabalat hanggang sa ilang mga pahina ay may mga entries din siya–na kadalasan ay dinosaurs.

IMG_20171228_162321IMG_20171228_162530IMG_20171228_162747IMG_20171228_164439

Ikalimang Pangkat: (Kaka)Iba-iba

Lumabas ang mga ideyang iguhit sila nang matapos ang librong binasa, pelikulang napanood–o basta na lamang silang iniwan ng musa.

IMG_20171228_162250IMG_20171228_162434IMG_20171228_162545IMG_20171228_162608IMG_20171228_162705IMG_20171228_164403IMG_20171228_164523IMG_20171228_164638IMG_20171228_164931

Ika-anim na Pangkat: Labas

Ang paboritong kong pangkat dahil inilabas nito, hindi lang ang aking kakayahan, kundi ang tiwala sa sarili na gumuhit–na matagal nang natabunan.

IMG_20171228_164654IMG_20171228_164757Picture1Picture2Picture3Picture4

Patunay ang proyektong ito na lagi’t lagi tayong may bagong (muling) matututunan o talentong babalikan dahil maaari pa palang mapagyaman. Bukod pa dyan, busog sa kuwento at alaala ang bawat larawan.

Advertisements