NCBD 2015 Blog Tour: Umuulan ng mga Libro na Aking Paborito

Bilang pakikilahok sa pagdiriwang ng ika-32 National Children’s Book Day (NCBD), narito ang ilan sa mga paborito kong aklat-pambatang Pinoy.

Si-Pilong-Patago-tago

(1) Pilong Patago-tago. (Adarna House) Ito ‘yong kwentong p’wedeng gawan ng maraming adlib dahil sa point of view na ginamit ng manunulat. Sa mga una hanggang gitnang bahagi ng kwento, sa palagay ko, ay sinadyang gawing predictable ang storyline pati na rin ang mga linya ng mga tauhan; para may gulat at kurot-sa-puso factor pagdating ng ending. P’wede ring makipag-interact sa illustrations ang mambabasa para mahanap kung saan nagtatago si Pilo.

61493_433338434627_5364697_n

Kasama si Russell Molina (nakaupo), ang sumulat ng mga hawak naming libro.

(2) Tuwing Sabado.(Lampara) Kung may isang kuwento na paulit-ulit na dumudurog ng puso, ito yon. Ito ‘yong tipo ng kuwento na habang binabasa mo (lalo na ‘yong climax) ay talagang kailangan mong magpigil ng luha. Paborito kong eksena’yong inaasar si bida ng mga kapit-bahay niya. Ramdam ko ‘yong pagtitimpi niya e. Kaya siguro tumatagos sa puso ang bawat linya ng kuwento ay dahil sa napakanatural na daloy ng mga salita mula sa narrator hanggang sa mga tauhan. Isang napakagandang kuwento for an inferring and predicting lesson (kung ano’ng trabaho ng tatay niya, bakit tuwing Sabado lang sila nagkikita).

10645310_10204216290062982_2993745567271557807_n

(3) Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon. (Adarna House) Hindi naman talaga ako mahilig magbasa o manood ng horror movies, pero sobrang na-hook ako sa librong ‘to. Siguro dahil sa setting ng istorya–kontemporaryong Pilipinas (may mga malls, mas malalakas na bagyo, mga kabataang nahuhumaling sa computer games) na pinatingkad pa ng mitolohiyang Pinoy (tiyanak, bagani, pusong, sigbin atbp) at inihabi sa sinaunang kasaysayan ng bansa (kuweba ng Tabon). Ang eksenang nagpabilis ng puso ko (habang binabasa ito sa dyip) ay no’ng bumabagyo at magkahawak-kamay ang dalawang tauhan. A-a! Isinara ko talaga ang libro at pumikit muna. (Na hindi magandang ideya dahil mas na-imagine ko sila.) Maganda ang pagkakaputol ng istorya (dahil may sequel na malapit na raw lumabas). May mga rebelasyon na sumagot sa mga nagbabanggaang tanong, na mukhang magsasanga pa sa mas marami at mas nakakapanindig-balahibong pakikipagsapalaran ni Janus.

291445_10151044026033177_445501297_o

(4) Ang Unang Baboy sa Langit. (Cacho Publishing House) Sino ba’ng hindi maaaliw sa baboy na ubod ng linis–na naghihilamos, nagdadasal at namumuno sa paglilinis ng kural (at community organizer pa pala). Ang malalim na mensahe ng kuwentong ‘to na binalot sa (taba at) ka-cute-an ng bida ang humuli ng puso ko. Para sa akin, kinakatawan ni Butsiki ang mga Pilipinong naninindigan sa katotohanan sa kabila ng pambabatikos at paghihinala sa kanila. (‘Di ba ang lalim para sa isang kuwentong-pambata?) Naniniwala ako na lagi at laging may tatayong Butsiki hangga’t may mga naglulustay ng kanilang pork barrel (o kung ano mang bagong tawag dito).

10156042_10203545499093627_8172047922047670960_n

(5) Si Carancal, ang Bayaning Isang Dangkal. (Lampara) Ito ang unang libro sa Carancal series. Patok sa mga bagets ang mga adventures ng ating munting bida . (Yes, kahit ang paglalayas ni Kuya para makatulong sa pamilya.) Huling-huli rin ng librong ito ang kiliti ng mga bata pagdating sa pakikipagtunggali (lalo na sa mga mas malalaki sa’yo)–na kaya mo silang isahan katulad ng ginawa ni Carancal. Ang sarap ikuwento nito dahil kaabang-abang ang gagawin ng bida sa bawat pahina. Plus, ginawan pa namin ng kanta (bilang pagpupugay) si Carancal sa tono ng Let It Go, kaya lalong bumenta.

Ang mga librong ito rin ang mga paborito kong ikwento sa aking mga klase.

Ikaw, ano-anong mga pambatang libro ang iyong paborito?

Bisitahin ang PBBY facebook page para sa iba pang detalye ng NCBD ngayong taon.

Challenges of the Sea

Challenges of the Sea

I’m pretty excited for the next batch of selections we’re having in our Reading 6 class. The unit’s theme is Challenges of the Sea.

We’ll be perusing a chapter from Sperry’s Call It Courage–Mafatu and the Ma’o (shark). There’s also a chapter from another YA novel. It’s about the heroine Paloma who survives a series of unfortunate events (i.e. leg cramps, shark attack).

Now, that’s two stories that present the terrifying side of sharks. But worry not shark protection advocates because there are also non-fictions that discuss the not-so-explored nature of sharks–how they use their senses to find food. Then I plan to insert mini-lessons on the different species of sharks, shark captivity and conservation.

I’m dying to have the mini-lessons because I’ll be wearing (for the first time in my teaching career history) a (shark) costume during some parts of the lesson.

On the more local side, we have some selections about a secret island, muro-ami, fishboys and Badjaos.

I have also asked my pupils to ready their sea-related trivia every meeting.

It feels great to be a teacher when you have those ideas pouring in.