3/3: What to Do in Batan Island, Batanes (South Batan)

1.  Watch How the Carabaos ‘Mow’ the Hills in Marlboro Country

Ang mga members talaga ng animal kingdom, ie. goats, carabaos, and cows, ang nagmi-maintain ng mga hills ng Batanes. Huwag i-provoke ang mga carabaos at may tendency silang mang-habol.

South carabaos

Hindi ka pagbabawalan na bumaba sa may bangin. Pero siguraduhin mo lang na kaya mong bumalik. Mas ok ang view don. 

South Marlboro cliff

View from down yonder. Amazing ‘yong rock/ coral (?) na ito na puro halaman.

2. Don’t Go Down the Stairs at Chawa View Deck

Ang hagdan ay para lamang sa mga lamang-dagat tulad nina Ponyo at Ariel. Cheret.  Itinayo po ito ng mga Tsino bilang kadugtong ng Great Wall nila. Cheret.South Great Wall

3.  Awaken the Scientist in You by Checking Out the Corals at the Summit of the Hills

Wait, pa’no sila napunta do’n? So ibig sabihin nakalubog ang islang ito dati? O baka naman may movements ang mga plates tapos naitulak ito pataas?

South Mountain

Mej buwis-buhay nga lang ang pag-akyat rito. At bangin na siya. 

4.  Measure the Thickness of the Walls of the Stonehouses

Dahil nga land of the wailing winds ang Batanes, pang-malakasan ang mga bahay dito sa kapal ng walls. At di basta-basta ang materyales na ginagamit to build these fortresses.

South Stonehouse

OA daw kung nakalabas lahat ng bato. Plastered daw dapat. At saka nakalubog nang kaunti ang first floor for more grounding.

South stone vakul

Ito ay kailangang palitadahan daw. Pero tingnan mo naman kung saan gawa. Siguro for tourism purposes lang. Oldest stonehouse daw ito sa Brgy. Tuhel. Sabe.

5. Walk Down the Beach in Ivana

While my companions were busy taking photos of churches and stonehouses, and buying stuff at the famous Honesty Store, I headed to the beach and it was worth it.

South woods

South Heart

How can you not fall in love with this pristine beauty? Sabtang Island na ‘yong nasa harap.

South facing Sabtang

Random sea grasses na p’wedeng gawin table centerpiece. 

Selfie Seashore

I just have to include this timed shot. 

6.  Take Refuge at the Mahatao Boat Shelter Port

This port, sadly, reminds me of the documentary ‘The Cove‘. Buti na lang at walang dolphin captivity na nagaganap dito.

IMG_20171220_102224

You can climb this islet. May hagdan sa gilid.

South Goat

May hagdan sa gilid, pero the goats in Batanes choose to take the buwis-buhay bangins. 

South Lighthouse

We didn’t make it to the more famous Tayid Lighthouse in Mahatao. But for me, this old one near the boat shelter deserves more publicity. Dramatic. 

That’s it for our first series of minor blogging!

I hope these lists somehow help you make the most of your Breathtaking Batanes experience.

P.S. Sorry at mej hindi hi-res ang pictures. Dinaan na lang natin sa composition at caption. Salamat pa rin, Cherry Mobile.

1/3: What to Do in Batan Island, Batanes (Basco Downtown)

2/3: What to Do in Batan Island (North Batan)

Advertisements